41

Jan 3, 2018 @ 11:27

Shoulder injury ni Lonzo Ball, lumala

Hindi pa makakabalik sa Lonzo Ball sa line up ng Los Angeles Lakers matapos na hindi makalaro sa nakalipas ng limang laban dahil sa shoulder injury.

Naka-schedule si Ball na sumailalim sa re-evaluation ng mga doktor dahil sa sumasakit pa nitong injury sa balikat.

Sa pagkawala ni Ball, natalo ang Lakers sa 10 sa 11 nilang laro. Nakatakdang kalabin ang Lakers ang Oklahoma City Thunder ngayong Miyerkules.

Nakuha ni Ball ang left shoulder injury sa pagkatalo ng Los Angeles sa Portland Trail Blazers noong Dec. 23.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?