12

Apr 8, 2021 @ 15:05
By

Shotgun pinaglaruan: 10-anyos napatay ng kapatid

Todas ang isang 10-anyos na babae matapos itong mabaril ng kanyang kapatid na lalaki sa Sultan Kudarat.

Ayon kay Sultan Kudarat police director Col. Noel Kinazo, nasawi ang dalagita na kinilalang si Angel Pututan dahil sa mga sugat nito sa katawan.

Nangyari umano ang insidente habang wala ang mga magulang ng magkapatid para maghanap ng pagkain.

Pinaniniwalaan na pinaglaruan ng magkapatid ang shotgun sa kanilang bahay, na naging mitsa ng pagkasawi ni Angel.

Pinag-ingat naman ni Col. Kinazo ang mga pamilya na itagong mabuti ang mga armas para maiwasan ang katulad na aksidente.

Hindi naman nasaktan ang isa pang kapatid na hindi na pinangalanan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?