173
belga
Aug 2, 2019 @ 12:41
By

‘Shotgun’ ni Belga, bitbit sa Game 4

Bibitbiting muli ni Beau Belga ng Rain or Shine ang kanyang ‘di nakikitang ‘shotgun’ sa pagsabak sa matira-matibay na Game 4 ng 44th Philippine Basketball Association Commissioner’s Cup best of five semifinals kontra San Miguel ngayong Biyernes, alas-7 ng gabi.

Tuluyang inilabas ni Belga ang kalibre ng kanyang mahiwagang sandata tapos itong magpasabog ng mga krusyal na tres sa Game 3 upang panatiliing buhay ang tsansa sa finals ng RoS.

“Next game ulit, itatago ko at dadalhin sa maleta,” bulalas ng dating Philippine Christian University Dolphins sa National Collegiate Athletic Association.

Dalawang krusyal na tres ang sinalpak ni Belga, una upang idikit ang labanan kontra sa Beermen bago ang isa pa habang may natitiran na lang tatlong segundo sa shotclock ang koponan na nagbigay ng komportableng abante sa Elasto Painters.

“Pampakumpiyansa lang” hirit ni Belga. “Katuwaan lang. Tulad sa isang mainitang laro, kapag naipasok mo ang krusyal na basket, siyempre kailangan i-appreciate mo.”

Ang tres niya ang kumumpleto sa 10-0 bomba ng E-Painters sa natitirang 1:37 ng laro upang maiuwi ng ROS ang 112-104 panalo at bulilyasuhin ang umaasam ng sweep na karibal.

“Yun kasi iyung trademark, nilabas lang ulit sa baul (kasi) tinago ko,” panapos ng beteranong basketbolista, na nagtala ng 16 puntos kasama ang 3-of-4 sa labas ng arc.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?