586

Aug 2, 2019 @ 13:33
By

Shorts ni Pacquiao, milyones ang halaga!

Walang tapon kapag si ‘PacMan’ ang lumaban, kahit ang ginamit nitong damit pang-ibaba ay milyones pa rin ang presyo.

Nabenta na sa halagang $24,750 o katumbas ng P12 miyon ang boxing shorts na ginamit mismo n Manny Pacquiao sa bakbakan kontra kay Keith Thurman noong July 20 sa MGM Grand Garden Arena, Las Vegas, Nevada.

Matatandaan na matapos ang huling laban ay nangako si Manny sa interview kay American TV host Jimmy Kimmel na ipapasubasta ang ginamit na boxing shorts at ang halaga na malilikom dito ay mapupunta sa mga pasyenteng may sakit na ALS o Amyotrophic Lateral Sclerosis.

Bukod sa boksing ay naging mainit rin ang mga bidder sa mga huling minuto ng charity auction matapos na marami ang nagpakita ng interes sa boxing trunk ng ‘Pambansang Kamao’.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?