80

By

Shortlist sa nabakanteng CA Presiding Justice, inilabas na

Sharing is caring!

Nabakante ang nasabing posisyon makaraang mahirang bilang Supreme Court (SC) Associate Justice si dating Court of Appeals Presiding Justice Andres Reyes Jr.

Kasama sa shortlist sina: Acting CA Presiding Justice Remedios Salazar-Fernando na nakakuha ng pitong boto.

Nasa listahan din si CA Justice Romeo Barza na may limang boto, at CA Justice Marlene Gonzales-Sison na may apat na boto.

Kasama na sa bumoto at naupong bagong miyembro ng JBC si SC Retired Justice Jose Mendoza.

Bahagi rin ng JBC sina Chief Justice Maria Lourdes Sereno na tumatayong ex-officio chair; gayundin sina: Justice Secretary Vitaliano Aguirre, Senador Richard Gordon, Atty. Jose Mejia, Atty. Milagros Fernan-Cayosa at Retired Judge Toribio Ilao.

Ang JBC ang sumasala sa mga kandidato at nagsusumite ng rekomendasyon sa Pangulo para sa mga bakanteng puwesto sa hudikatura at sa Tanggapan ng Ombudsman at Deputy Ombudsman. (Maricel Diaz)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?