By

Shortlist ng JBC para sa binakanteng puwesto ni Sereno, hinihintay ng Palasyo

Sharing is caring!

Hinihintay ng Malacañang ang shortlist ng Judicjal and Bar Council (JBC) para pagpilian ng magiging bagong Supreme Court Chief Justice kapalit ng sinibak na si dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na ang JBC ang sasala at magre-review sa kuwalipikasyon ng mga kandidato para sa susunod na bagong punong mahistrado.

Bukod aniya sa bakanteng puwesto para sa Chief Justice, may isa pang mababakanteng puwesto dahil magreretiro na rin ang isa sa mga mahistrado.

“Magkakaroon pa po ng proseso ang JBC. The JBC will have to submit a short list for the candidates of Chief Justice, as well as another seat for the Supreme Court ‘no. Bukod pa po doon sa seat na iba-vacate po ni Justice Velasco, who will be retiring,” ani Roque.

Magtatalaga aniya si Pangulong Rodrigo Duterte ng magiging kaoalit ni Sereno sa sandaling makapagsumite na ng shortlist ang JBC.

Kaugnay naman sa plano ng mga abugado ni Sereno na mag-file ng motion for reconsideration, sinabi ni Roque na mahihirapang mabaliktad ang desisyon na nagpatalsik kay Sereno dahil mukhang pinag-isipan ng mga mahistrado ang kanilang desisyon.

” I wish her the best, pero with the decision which is more than a 150 pages parang mahirap po ata iyon; dahil mukhang pinag-isipan talaga ng mga mahistrado iyong kanilang desisyon,” dagdag pa ni Roque.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?