67

Feb 4, 2020 @ 18:21
By

Short film sa bioweapon kalokohan – Locsin

Kalokohan lang umano ang kumakalat na short film tungkol sa bioweapon laban sa China, ayon kay Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr.

Nitong Martes, nagprisenta si Senate President Vicente Sotto III ng short film tungkol sa bioweapon sa pagdinig ng Senado sa kahandaan ng gobyerno sa novel coronovirus.

Sabi sa video, ang 2019-nCoV ay maaaring isang bioweapon kaugnay ng biowarfare ng mga Western powers tulad ng United States at United Kingdom laban sa China.

Nang matapos ipalabas ang video, hiningan ni Sotto ng reaksiyon si Locsin na sumagot naman ng, “This is an example of the craziest video I have ever seen.”

“Again, this is a plot of the United States and the West to destroy China by first destroying itself, this is really clever,” sabi pa ni Locsin.

Ani Sotto, ang video ay ibinigay sa kanyang tanggapan noong Lunes ng gabi.

Ayon naman kay Locsin, maaaring nagbubunyi ang mga West sa nangyayari ngayon sa China dahil maaaring magresulta ito ng kanilang pagiging makapangyarihan.

“If that is true, this disease is only proving the resilience and strength of China,” ani Locsin.

Nakasaad din sa video na nagsisinungaling umano ang China sa kanilang figures at statistics tungkol sa coronovirus. Pero giit ni Locsin, walang katotohanan ito.

“There is no truth that China even withheld information about this disease,” sabi pa ni Locsin.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?