20

Feb 14, 2020 @ 15:00
By

‘Short Film Competition’ bukas na para sa mga estudyante

Muling binuksan ng Metro Manila Film Festival (MMFF) ang “Short Film Competition” para sa mga Pilipinong mag-aaral bilang bahagi ng Metro Manila Summer Film Festival (MMSFF) at ito ay may temang “Pinoy Pride” sa Abril.

Hinikayat naman ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at MMFF Chairman Danilo Lim ang mga estudyante na mahilig gumawa ng pelikula na lumahok sa kompetisyon at isumite ang kanilang mga obra hanggang Pebrero 28.

May criteria ang Student Short Film na: artistic excellence, 70%; Filipino cultural sensibility, 20% at global appeal, 10%.

Samantala, ang mga lokal na filmmakers naman ay binibigyan ng hanggang Pebrero 15 para magsumite ng kanilang mga entries sa regular na film category.

Tutukuyin ang mga entry na makakapasa sa Marso 2 at ipalalabas sa mga sinehan mula Abril 11 (Black Saturday) hanggang Abril 21.

Ipinanukala ni Senador Bong Go ang Summer Festival para hikayatin ang mga Pinoy filmmakers sa paglikha ng mga de-kalidad na mga pelikula at mapalakas ang industriya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?