121

By

Short circuit, dahilan ng pag-usok ng tren ng MRT-3

Ayon sa pamunuan ng Metro Rail Transit 3 (MRT-3), short circuit umano ang dahilan ng pag-usok ng isa sa kanilang mga tren na naging dahilan upang pababain ang mga pasahero noong Lunes, Marso 18 ng gabi.

Sa pahayag ng pamunuan ng MRT-3, napagalaman ng kanilang mga technician na ang dahilan ng usok ay short circuit sa high voltage wire ng traction motor.

Saad ng management, ang naturang tren ay nirerepair na sa MRT-3 depot sa Quezon City.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?