31

By

Shopper namakyaw ng $1-M laruan sa isasara nang toy store

Sharing is caring!

Isang araw bago tuluyang isara ang Toys ‘R’ Us, isang ‘di nagpakilalang buyer ang binili lahat ng natitirang laruan sa naturang store sa Raleigh, North Carolina para ipamigay sa mga bata.

Ayon sa reports ng WNCN, may kabuuang halaga na $1 million ang lahat ng pinamili nitong laruan.

Sabi ng isang empleyado ng Toys ‘R’ Us, bumisita umano ang buyer para pakyawin ang lahat ng laruan.

“It didn’t happen all at this location. We don’t have that much inventory. It happened at various stores. They likely went through the Raleigh liquidator,” anang empleyado.

Noong Marso inanunsiyo ng Toys ‘R’ Us na isasarado na nito ang lahat ng kanilang stores sa United Kingdom.

Matapos ay ang operasyon naman nito sa Amerika ang isinunod nilang isinara dahil umano sa pagkalugi. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?