0
views

By

Shoplifter hindi umubra sa matalas na lady guard

Sharing is caring!

Isang kawatan sa mall na nag-shopping ng mahigit P2,000 na halaga pero walang pambayad ang nahuli ng lady security guard kahapon ng umaga sa Mandaluyong City.

Sa report ng Eastern Police District, nakilala ang shoplifter na si Mary Grace Villanueva, 35, housewife at residente ng No. 2019 Cityland Shaw Tower, Barangay Wack Wack, ng nabanggit na lungsod.

Nahuli si Villanueva bandang alas-11:50 ng umaga sa ikatlong palapag ng department store ng SM Megamall kung saan napansin ng matalas na lady guard na si Melanie Pancho na kahina-hinala ang ikinikilos ng suspek kaya palihim niya itong sinundan habang nagsa-shopping.

Napansin nito na papalabas na sana ang suspek kaya sinita niya si Villanueva at hinanapan ng resibo sa mga dalang damit ngunit walang maipakita kaya dinala ito sa admin office.

Narekober sa suspek ang sari-saring damit na may kabuuang halaga na P2,348.75.

Kasalukuyang nakakulong si Villanueva sa Mandaluyong detention cell habang inihahanda ang kasong theft laban sa kanya sa Prosecutor’s Office. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?