801

By

Shopee pinaulanan ng mura ng mga netizen sa panggogoyo

Nagreklamo ang mga netizen sa ginanap na ‘meet and greet’ sa mga fan ng Blackpink dahil pawang mga celebrity at influencer umano ang nasa loob ng “supposed to be fan event”.

Agad nag-trending sa social media ang hashtag na #SHOPEESCAM dahil ginawa umanong negosyo ng Shopee ang fan event na ginanap sa Samsung Hall ng SM Aura sa Taguig dahil puros celebrity at influencer ang nasa event.

Nasayang umano ang ibinayad nilang libo-libong piso pero hindi sila pinayagang mag-video at kumuha ng litrato sa event.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?