226

Jun 7, 2019 @ 12:43
By

Shopee nag-sorry, kulong sigaw ng mga BlackPink fan

Hindi naging sapat ang public apology ng Shopee Philippines para sa mga BlackPink fan, gusto nilang mapanagot ang may pakana ng event.

Ayon sa online selling platform, inamin nilang nagkulang sila sa high standards umano ng mga BP fan at mga user ng kanilang platform.

Ginawan umano agad nila ng paraan maaksyunan ang nasabing problema ngunit mas lalo pa itong nakagulo sa mga nanalo.

“Although we took immediate steps as soon as we discovered the problems to ensure the rightful winners of our contest could claim their prizes, we know that the entire process caused confusion, disappointment, and upset for many,” ayon sa statement ng Shopee.

Ngunit walang nagawa ang pagso-sorry ng online platform, sinabi na dapat ay may makulong lalo’t libo ang kanilang ginastos at ang iba ay lumipad pa pa-Maynila para sa nasabing concert.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?