11

By

Shola ‘di pa pepetiks sa L’Bombers

Sharing is caring!

Inihalik na ni Shola Alvarez sa kauna-unahang Final Four play ang Jose Rizal University, pero hindi pa tapos ang kanyang misyon.

Makakalaban ng Lady Bombers ang defending champion Arellano University sa semifinals ng 93rd NCAA women’s volleyball tournament.

Magsisimula ang bakbakan ng JRU at AU sa alas-kuwatro ng hapon sa FilOil Arena, San Juan City.

Ayon kay 19-year-old Alvarez, ibibigay niya ang lahat upang madala ang Kalentong-based squad sa championship round at magkaroon ng pagkakataon na masikwat ang titulo.

“I will give it all since this could be my last game in the NCAA,” saad ni Alvarez, na kandidata na maging Most Valuable Player (MVP) ngayong season.

Nangunguna si Alvarez sa scoring, may average na 21.33 points per game.

Kailangan ng No. 4 seed Lady Bombers (6-3) na makaalpas sa No. 1 Lady Chiefs (8-1) nang dalawang beses bago sumampa sa susunod at mahalagang phase.

Kapareho ng Arellano U sa karta ang San Beda pero tinanghal na top seed ang una matapos ipatupad ang tie break.

Lumanding sa No. 2 ang Lady Red Spikers at may twice-to-beat advantage din sila, makakalaban nila sa semis ang No. 3 na University of Perpetual Help System Dalta sa alas-dos ng hapon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?