alvarez
By

Shola Alvarez, MVP sa NCAA women’s volleyball tournament

Sharing is caring!

Bago lisanin ang Jose Rizal University, mag-iiwan ng magandang alaala si power hitter Shola Alvarez.

Kumayod ng todo upang isampa ni 20-year-old Alvarez sa semifinals ng 93rd NCAA women’s volleyball tournament Lady Bombers, kinapos sa finals pero malaking bagay na ito sa JRU dahil unang Final Four pa lang nila sapul ng sumali sa liga.

Napawi ang pagod at paghihirap ni 5-foot-7 Alvarez matapos siyang tanghaling season Most Valuable Player, (MVP) kahapon.
“Worth it lahat,” saad ni Alvarez.
May average na league-best 21.3 points si Alvarez upang ungusan si Cesca Racraquin ng San Beda.

Nahirang din na MVPs sina Joebert Almodiel at Kirth Patrick Rosos ng Perpetual Help sa seniors at juniors divisions.

Ang ibang awardees sa women’s side, ay sina Jovelyn Grace Prado ng AU(First Outside Spiker), Ma. Lourdes Clemente ng Perpetual Help (First Middle Blocker), Joyce Sta. Rita ng San Sebastian (Second Middle Blocker), Alyssa Eroa ng SSC (Libero), Vira Guillema ng SSC (Setter) at Regine Anne Arocha ng AU (Opposite Spiker).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?