152

Feb 4, 2019 @ 15:47
By

Shirtless Adam Levine nagpainit sa Superbowl

Isa sa highlights ng Pepsi SuperBowl LIII ang pagpe-perform ng Maroon 5 sa halftime show sa Mercedes-Benz Stadium sa Atlanta, Georgia.

Bukod sa paghaharap ng New England Patriots at Los Angeles Rams, nagpainit sa labanan ang walang suot na pang-itaas na si Maroon 5 singer Adam Levine.

Nagbigay-pugay din ito sa kilalang cartoon character na si SpongeBob SquarePants.

Matapos ang SpongeBob moment, dumating si Travis Scott at nag-rap ng “Sicko Mode” habang kinanta ng Maroon 5 ang top songs niya gaya ng “Girls Like You”, “There Will Be Love”, “Sugar” at “Moves Like Jagger”.

Nagpakawala ang crowd ng Chinese lanterns habang bumabanat si Levine ng “There Will Be Love”.

Habang nasa stage, naghubad si Levine ng kanyang shirt at nakasuot na lang ng pants.

Naging hot topic ito sa Twitter.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?