37

Jun 21, 2020 @ 11:31
By

‘Shipping fee sa emergency aid, iurong’

Para matiyak ang mabilis na pagdating ng relief goods sa mga lugar na tinamaan ng kalamidad, pinanukala ni Senador Bong Revilla na tanggalin na ang shipping fees sa pagbiyahe ng service providers na may kinalaman sa relief operation.

Sa Senate Bil No. 1560 o Relief Goods Free Transportation Act, layon na magbigay ng libreng freight service sa mga relief good sa mga lugar na dineklarang state of calamity ng Pangulo o local government unit (LGU).

“More often than not, the transport of these goods, despite humanitarian reasons, entail a huge cost,” pahayag ni Revilla.

Sa panahon ng kalamidad, binigyang-diin nito ang mahalagang papel ng mga pribadong indibidwal at mga kumpanya at non-government organizations (NGOs).

“During these trying times, our citizens are the most affected. Thus, it is imperative to ensure that adequate relief assistance is given to individuals and communities heavily affected by the disaster,” punto ng senador.

Sa ilalim ng panukala, ang Office of the Civil Defense (OCD), sa pakikipagtulungan ng Philippine Postal Corporation (PPC) at lahat ng freight company, common carrier, private carrier, freight forwarders at iba pang nagbibigay ng logistice services para sa pagbiyahe ng relief goods ay dapat ‘free of charge’.

Kung ang isang lugar ay accessible ang relief good ay dapat ipadala o i-deliver sa pinakamalapit ng LGU at consigned sa mga kaukulang local chief executive.

“Certain shipping auxiliary cost, such as those for arrastre services, pilotage, and other port charges that are routinely passed on to customers, shall be borne by the concerned arrastre, pilotage, and port authorities. Provided, however, that container van costs, turnaround time and volume of cargo entitled to the free freight charges shall be considered in order to minimize the loss of profits of the private sector,” ayon pa sa panukala.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?