235

Dec 19, 2017 @ 12:20

SHINee’s lead singer Jonghyun nagpakamatay?

Natagpuang walang malay o wala nang buhay sa kanyang apartment si Kim Jong-hyun na mas kilala sa pangalang Jonghyun ng South Korean pop group na SHINee noong Lunes (Disyembre 18).

Ayon sa AFP, hindi na umano nagre-response ang 27-anyos na si Jonghyun at itinakbo sa Konkuk University Hospital ngunit idineklarang patay.

Sa ulat ng Yonhap News, si Jonghyun, main vocalist ng SHINee, ay natagpuan sa kanyang bahay sa Cheongdam-dong sa Seoul alas-sais ng gabi.

Sinabi sa police briefing umano na isang kayumangging kulay na uling ang nakitang nagniningas sa isang frying pan sa kanyang bahay.

Nauna nang sinabi umano na nag-report ang nakatatanda nitong kapatid at sinabing, “It seems like he committed suicide.”

Kasalukuyan pang iniimbestigahan ang insidente.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?