540

Dec 21, 2017 @ 20:02

SHINee, Super Junior members nagtulong sa kabaong ni K-Pop star Jonghyun

Inilabas mula sa Asan Medical Centre sa Seoul ang kabaong ni K-Pop star Kim Jonghyun.

Nagtulong sa pagbubuhat sa kabaong papunta sa limousine sa labas ng ospital ang natirang mga miyembro ng SHINee at Super Junior members.

Buhat naman ng kapatid na babae ni Jonghyun ang picture nito na nakalagay sa wooden frame habang nangunguna sa funeral walk.

Namatay si Jonghyun sa edad na 27 dahil umano nag-suicide.

Matapos nito ay inilabas ng kaibigan nitong si Nine9, ng K-Pop rock group Dear Cloud, ang isang suicide note na isinulat umano ng South Korean idol at ipinadala sa kanya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?