67

By

Sheryl nagparamdam sa mga botante sa Manila

Sharing is caring!

Umawra-awra na si She­ryl Cruz sa induction ng mga bagong halal na Barangay Chairman at Kagawad sa PICC nu’ng Sabado. Siyempre nagtaka ang mga inductee sa presence ng Kapuso actress although malapit din siya kay Manila Mayor Joseph Estrada.

Ang tsismis ng ilan na­ming kaibigang chairmen, tatakbo si Sheryl bilang konsehal sa isang distrito sa Tondo. Kung totoo, paniguradong sa partido siya ni Mayor Erap na tatakbo muli bilang Mayor, huh!
Eh, ang makakalaban ni Mayor Estrada ay ang DSWD Undersecretary na si Isko Moreno.

Dating magkasama sa That’s Entertainment sina Sherly at Isko at naging Seiko Jewels din ng Seiko Films, huh!
Speaking of tatakbong konsehal sa Maynila, balita ring tatakbo ang anak na babae ni Mayor Joseph na si Jerika at sa Sampaloc naman ang district naman siya lalaban.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?