539

Sep 22, 2018 @ 12:30
By

Sheree isang multi-talented artist!

Multi-talented pala ang dating Viva Hot Babe na si Sheree. Bukod kasi sa pagiging aktres, isa siyang singer, composer, painter, DJ, at pole dancer din.

Nakapanayam namin ang sexy actress sa Tambayan ng Tsika ng Abante Tonite recently, kasama sina katotong Roldan Castro at Beth Gelena, dito namin nalaman ang iba pang talento ni Sheree.

Ang single niyang bago ay pinamagatang ‘We Don’t Give A Fuc-‘ at may nauna pang dalawang single na siyang nailabas mula sa Viva Records.

Katatapos lang niyang napanood sa Kambal Karibal ng GMA7. Nagdi-DJ din si Sheree. Last September 22, may gig siya sa Backdoor, sa McKinley Road, BGC (Bonifacio Global City), 12MN-2AM. After sa Backdoor, takbo naman si Sheree sa Core, Tomas Morato, QC. Kasama niya bilang DJ si Matthew Carbonell.

May project ding gagawin ang sexy-actress sa Viva na may konek sa pole dancing, pero ayaw pa niyang sabihin ito. Bilang patikim, magtuturo raw siya ng striptease sa mga momsies.

Sa October 3, may exhibit naman si Sheree sa Got Heart Gallery, White Plains. Isa sa showbiz personality na makakasama niya sa exhibit ay si Bangs Garcia.

Anyway, mapapanood ang buong tsikahan namin kay Sheree ngayong Sabado, September 22 sa Abante TNT website, Abante TONITE Facebook Page, Abante News Online at Abante Tonite YouTube Channel.

Dito’y malalaman ang pagiging battered GF niya na muntik ikamatay ni Sheree dahil nag-50-50 siya noon. Matutunghayan din kung bakit fairy godmother ang tingin niya kay Patricia Javier, pati na ang ilang sexy and naughty revelations ni Sheree, plus ang ilang nakarelasyong actor, at ang crush niyang artista.

Abangan mamayang 3pm!

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?