14

By

Shellfish ban sa Surigao del Sur, mas pinaigting

Sharing is caring!

Nilinaw ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR)-Caraga na hindi pa rin nila tinatanggal ang shellfish ban sa Lianga Bay sa Surigao del Sur.

Ito ay dahil sa nakitang may nakakalasong organism o red tide toxins sa mga lamang-dagat tulad ng shellfish.

Ayon kay Dr. Leona Victoria Nortega ng BFAR-Caraga, patuloy ang kanilang monitoring at water sampling na ginagawa apat na beses sa isang buwan sa karagatan na sakop ng Lianga Bay.

Layunin nito na masiguro ang kaligtasan ng mga residente at maiwasan pansamantala ang pagkain ng shellfish at iba pang marine products na kontaminado ng red tide toxins.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?