18

Aug 6, 2020 @ 17:07
By

Shellfish ban sa 5 dagat sa Eastern Visayas

Nakataas ang shellfish ban sa limang dagat sa Eastern Visayas dahil sa patuloy na pananalasa ng red tide toxin.

Ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), may red tide sa Cancabato Bay sa Tacloban City; Matarinao Bay sa General MacArthur, Hernani, Quinapondan at Salcedo sa Eastern Samar; Carigara Bay — Babatngon, San Miguel, Barugo, Carigara at Capoocan sa Leyte; karagatan ng Guiuan, Eastern Samar; at Irong-irong Bay sa Catbalogan City, Samar.

“The recurrence of red tide phenomenon due to abrupt weather changes. This upwelling causes the overturn of sediment-laden with red tide microorganism’s cysts and lead to bloom as water enriched with runoff from land due to sudden rainfall events,” paliwanag ni BFAR Regional Director Juan Albaladejo sa ulat ng PNA.

Para maprotektahan laban sa red tide ang publiko binalaan ng BFAR ang mga ito na huwag manguha, magbenta o kumain ng anumang uri ng shellfish mula sa nabanggit na mga dagat gayundin ang alamang.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?