603

Nov 29, 2017 @ 13:48
By

Sheena Halili, ipinangalandakan sa IG ang non-showbiz BF

Walang dudang in love na in love ngayon ang Kapuso actress na si Sheena Halili.

Ibinalandra na ng character actress ang kanyang pag-ibig sa non-showbiz boyfriend niya na nagngangalang Jeron Manzanero.

Sabi nga ni Sheena sa kanyang Instagram message sa selfie photo nilang dalawa ng kanyang kasintahan, sumasabog ang kanyang puso sa kaligayahan sa piling ng nasabing lalaki at ito na ang tugon sa kanyang matagal nang dasal.

@mysheenahalili, “Para sa taong nagparamdam ng tunay na pagmamahal. Sumasabog ang puso ko sa saya pag naiisip kong sa akin ka at ikaw ang matagal ko ng dasal kay Lord. Sana pagtibayin pa tayo ng panahon. I love you babe! Salamat! #SaTamangPanahon #SheeNimo.”

Ngayon lang ibinalandra nang todo ni Sheena ang kanyang lovelife na pasilip lang muna sa umpisa sa mga larawan nila ng boyfriend.

Siguradong naibibigay ng lalaki ang pagmamahal at importansyang hinahanap ni Sheena sa isang boyfriend kaya naman hindi na ito nakapagpigil na ipagmalaki sa mundo ang kaligayahang nararamdaman sa piling nito.

Unang naging kasintahan ni Sheena ay sina Rocco Nacino at Rainier Castillo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?