34

Jun 23, 2022 @ 16:08
By

Sheena Halili: Baby M finally met VP Leni

Masayang ibinahagi ni Sheena Halili na nagkita na rin sa wakas si Baby M at outgoing Vice President Leni Robredo.

Sa Instagram ngayong Huwebes, ibinahagi nito ang kanilang family picture kasama si Robredo.

Aniya, sa wakas ay nagkita na rin ang anak niyang si Martina at ang ikalawang pangulo ng bansa.

“Baby M finally met VP Leni! ✌🏻

Mahal ka namin ninang @lenirobredo 💗” caption niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?