10

By

Shay Mitchell dumating sa Pilipinas

Sharing is caring!

Dumating sa Pilipinas noong nakaraang Linggo ang isa bida ng Netflix Original series na You na si Shay Mitchell.

Si Shay ay Filipino-Canadian at isa sa naging bida sa 2010 US series na Pretty Little Liars.

Nasa bansa si Shay para sa promotion ng You kasama ang co-star niyang si Penn Badgley. Huling napanood naman si Penn sa CW series na Gossip Girl.

Umere noong September 9, 2018 ang 10-episode You via Lifetime Channel at ni-release ito internationally noong December 26, 2018 at ginawa na itong Netflix Original series.

Ayon sa Wikipedia: “You is an American psychological thriller television series developed by Greg Berlanti and Sera Gamble. Produced by Warner Horizon Television, in association with Berlanti Productions, Alloy Entertainment and A&E Studios, the first season is based on the eponymous 2014 novel by Caroline Kepnes and follows Joe Goldberg, a New York bookstore manager (portrayed by Penn Badgley) who falls in love with a customer named Guinevere Beck (Elizabeth Lail) and quickly becomes obsessed with her.”

Ginagampanan ni Shay ang role na Peach Salinger, ang best friend ni Beck na naging target din ni Joe.

Kasama rin sa cast sina Luca Padovan, Zach Cherry, Daniel Cosgrove, Kathryn Gallagher, Nicole Kang, Victoria Cartagena, Mark Blum, Hari Nef, Ambyr Childers and John Stamos.

Na-renew na for a second season ang You na ibe-base sa sequel novel ni Kepnes na Hidden Bodies.

New York ang location ng season one ng You. For season 2, they will start filming in California.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?