50

Apr 1, 2020 @ 14:15
By

Shawn, Camila todo-PDA kahit quarantine

Sa Miami kung saan nakatira ang magkarelasyon na sina Shawn Mendes at Camilla Cabello ay nagpapatupad rin ng social distancing.

Sa bahay ng pamilya ng Latina singer Camila Cabello nananatili ang dalawa ngayong may COVID-19 pandemic.

Nagkaroon ng pagkakataon ang dalawa na mas maging malapit sa isa’t isa, madalas mamataan ang dalawa na nagba-bike, at naglalakad-lakad sa ilalim ng araw tuwing umaga.

Sa isang video nga na kumalat sa social media ay makikita si Mendez at Cabello na holding hands while walking pa, mabagal ang bawat hakbang ng dalawa na tila ba ninanamnam ang sikat ng araw.

Kahit nasa break nga ang dalawa, hindi pa rin naman sila nakalimot na magbigay aliw sa mga fans, nitong nakaraan nga lamang ay nag-perform sila sa IHeart Living Room Concert for America.

Nag-iwan naman sa instragram ng mensahe si Mendez sa kanyang followers, “Hey, I know times are scary right now but i just wanted check in with you all. Please stay safe and make sure to look out for each other and yourselves. It’s so important to stay in a healthy mindset through all of this. Give yourself the patience and love you deserve. We’re all here together.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?