786

Apr 7, 2021 @ 10:22
By

Shawie kay KC: ‘Di kailangan magpakasal, gusto ko na ng apo

36 taong gulang na si KC Concepcion ngayong Miyerkoles, Abril 7.

Sa Instagram, bumati kahapon ang nanay niya na si Sharon Cuneta, pero binura rin agad.

Ang laman ng post? Tungkol sa hiling ng Megastar na magkaapo na.

“On Easter Sunday the year I turned 19, I became a mother for the first time to a princess we named Maria Kristina Cassandra. Your birthday this year will fall on Wednesday, but you will forever be my Easter Baby (hence, the name Kristina, after Papa Jesus!),” sey ni Shawie.

“I miss you and you are always in my heart, Toot. I love you very much. Advanced Happy Birthday!” dagdag niya.

Saka niya sinabi na gusto niyang magkaapo, pero kung gusto lang naman ng kanyang panganay.

Willing din si Sharon na maghanap ng magiging surrogate father ng magiging baby ni KC kasi “sayang genes” ng huli.

“(I REALLY want grandbabies! Only if you want. Otherwise I will wait til your siblings start popping them out! Ang tagaaaal naman!” banggit ni Cuneta, 55.

“Can you consider a surrogate? I mean-just gimme your eggs and I’ll pick their poppa! Hehehe… Tutal I will kidnap all your babies!”

“No need to get married, just gimme your eggs cos sayang your genes!!! And I want heirs to our Vampire Empire. Sayang Mita’s and our vampire blood! I’ll do all the work! Hahahaha! No pressure?!!! JOOOOKE! Naaaah not really. Hahaha! I love you baby girl,” aniya pa.

Si KC ay anak ni Sharon sa kanyang ex-husband na si Gabby Concepcion.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?