10

Oct 17, 2020 @ 22:15
By

Shaw miron pa rin sa Blackwater

HINDI makagalaw.

Iyan ang isa sa rason kung bakit hindi na naman nakasama sa ikalawang bakbakan sa PBA bubble si Blackwater Bossing rookie Maurice Shaw.

“Actually nandito na siya kanina, pero hindi makagalaw kaya we sent him back [hotel] para makapagpahinga pa,” pahayag ni coach Nash Racela sa ulat ng Spin.ph.

Dahil sa iniindang ‘back pasm’ o sakit sa likod, pinauwi na lang muna sa Quest Hotel si 6-foot-9 Shaw kung saan sa kuwarto na lang niya ito nanood ng laban kontra NLEX Road Warriors via livestream.

Ito na ang ikalawang beses na umabsent sa laro si Fil-Am cager Shaw matapos ang pagkakabangko nito kontra Ginebra nitong nakaraang Huwebes.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?