724
kbo
Mar 28, 2018 @ 17:48

Sharon, Robin, Vilma, Piolo bibida sa KBO ngayong Holy Week

May pagkakataon na ang pamilya na magsama-sama mula Huwebes hanggang Linggo. Magandang dahilan ito para mag-KBOnding sa bahay.

Panoorin ang limang pelikula na kakatok sa puso ng bawat miyembro ng pamilya.

Una na riyan ang Seven Sundays, sa kung paano magsisimulang muli ang pamilya Bonifacio nang malamang may sakit ang kanilang padre de pamilya. Bida rito si Ronaldo Valdez bilang si Manuel Bonificio, na nais mapagsama-sama ang kanyang mga anak, na ginampanan nina Aga Muhlach, Dingdong Dantes, Enrique Gil, at Cristine Reyes.

Kasunod ang Northern Lights: A Journey to Love ni Piolo Pascual. Kuwento ito ng isang lalaking sinubukang gampanan ang pagiging ama matapos mawalay sa kanyang anak. Bida rin dito sina Raikko Mateo at Yen Santos.

Bongga rin ang The Achy Breaky Hearts, na kuwento ng isang single na babae, na ginampanan ni Jodi Sta. Maria. Makikilala niya ang dalawang lalaki, sina Ian Veneracion at Richard Yap, bilang Ryan at Frank. Paano ba matututunan ni Chinggay ang pagmamahal sa sarili?

Jackpot din ang lahat sa Unexpectedly Yours na bida ang walang kupas na tandem nina Sharon Cuneta at Robin Padilla, kasama sina Joshua Garcia at Julia Barretto. Tungkol ito sa tunay na pagmamahal na kayang lampasan lahat ng hadlang, maging ang isang sarado nang puso.

Kaabang-abang din ulit ang In My Life nina Luis Manzano, John Lloyd Cruz at Vilma Santos. Paano tatanggapin ni Shirley (Santos) ang bagong sitwasyon ng anak?

Ang mga pelikulang ito ay mapapanood sa Kapamilya Box Office ng ABS-CBN TVplus, na ngayon ay available na to all networks. Para mag-register, mag-load sa kahit anong SIM (Globe, Smart, Sun, or ABS-CBNmobile SIM) ng P30; pindutin ang green / INFO button sa inyong TVplus box remote para malamanang inyon box ID; at i-text ang KBO30 sa 2366.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?