376

Jun 15, 2020 @ 17:48

Sharon pumalag kay Tulfo

To the rescue si Megastar Sharon Cuneta sa anak na si Frankie Pangilinan na nahaharap sa kontrobersiya sa pagitan ng TV host na si Ben Tulfo kaugnay sa isyu ng rape.

Sinang-ayunan ni Megastar ang pananaw ng anak tungkol sa panggagahasa.

Pinalagan maging ni Sharon ang mga pahayag ni Tulfo at sinabi rin nito na proud siya sa anak.

“You mean people shouldn’t count those who’ve been raped and murdered in the dead of winter in some other country, stripped of all their “uninviting,” thick, layered winter clothing? My very own “hija,” MIJA, whom I brought into this world, I am incredibly proud of you,” sambit ng Megastar kalakip ang hashtag na #hijakoyan .

Matatandaang tinuligsa ni Frankie si Tulfo na naniniwalang kasalanan ng “sexy ladies” at kung paano sila manamit kaya sila nare-rape.

Naniniwala rin ang broadcaster na “hindi magbabago at matuturuan” ang manyakis at rapist sa kanilang pagnanasa kaya “ang tanging magagawa” ng madla ay “manamit ng (sic) tama.”

Samantala, suportado rin si Frankie ng kanyang tatay na si Senador Kiko Pangilinan. (IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?