1,166

Oct 14, 2021 @ 18:12
By

Sharon pinagmalaki mga nagawa ni Kiko

Ibinahagi ni Sharon Cuneta ang “resume” at listahan ng mga nagawa ni Senador Kiko Pangilinan, na nag-aaplay sa pagka-bise presidente ng Pilipinas.

Sa Instagram, nag-post ang Megastar ng graphics ng mga impormasyon tungkol kay Pangilinan tulad ng kanyang educational background at public service.

Ipinakita rin niya ang mga panukalang batas na naipasa ng kanyang asawa.

“Pagdamutan niyo na po. Eto po ang history nung nag-aaply sa inyong lahat ng trabaho bilang VP ni VP Leni at ninyo sa 2022! Halos lahat kami sa pamilya kinuha na nya ng Degree,” caption ng Megastar.

https://www.instagram.com/p/CU8y8WIPdBt/

“Eto po ang mga nagawa sa Senado at kung saan-saan pa nung nag-aapply sa inyong magiging boss niya pag nahalal siyang VP,” dagdag niya.

https://www.instagram.com/p/CU8zPkBPYaK/

(IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?