15

Jan 23, 2021 @ 21:03
By

Sharon naimbiyerna sa balitang lalabas siya sa ASAP

Hindi napigilan ni Sharon Cuneta na mainis sa bali-balitang guest siya sa “ASAP Natin ‘To” sa Linggo, January 24.

Nag-trending online ang pagge-guest daw ng Megastar sa ASAP kasama ang kanyang anak na si KC Concepcion para sa birthday niya.

Sa kanyang Instagram post ay nilinaw ni Sharon ang isyu, “Wala po ako sa A.S.A.P. sa Sunday! I don’t know why lumalabas sa social media na guest po ako sa A.S.A.P. this Sunday when di naman po ako nag-‘Yes’ sa pag-guest.”

Hindi rin daw niya alam na ang guesting niya sa ASAP ay para sa kanyang birthday

“At di ko alam pang-birthday ko pala dapat yun, kasi patapos na ang buwan, at dahil may work po ako that day at yun lang po ang gusto kong gawin.”

Kinainis din ni Sharon na nadadamay pa si KC sa isyu.

“Ayoko din yung nadadamay pa pati si KC na lalabas ba siya o kung anuman. Para tuloy di mo alam kung celebration ba dapat o para kayong pinaglalaruan mag-ina?

“I love my A.S.A.P. family (I love MR. M MOST OF ALL. Pero NAWALA NA SIYA DOON.) but this is upsetting. Kasi pag di ako lumabas, eh di ako pa po ang lalabas na masama? Nananahimik po ang buhay ko. The stars of ASAP have nothing to do with this. I am sure the staff meant well by asking me to guest. Unfortunately, this is still unfair to me,” dagdag niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?