51

Aug 4, 2021 @ 22:13
By

Sharon nagpatapyas ng suso sa Amerika

Walang kiyemeng inamin ni Sharon Cuneta na nagpabawas siya ng dibdib sa Amerika.

Ayon sa ulat, sumailalim din ang Megastar sa breast lifting.

Karamihan naman daw ng binawas sa kanya ay puro taba at balat.

Nakabalik na sa Pilipinas ang Megastar matapos ang ilang buwang pananatili sa Amerika.

Doon din siya nakakumpleto ng bakuna laban sa coronavirus.

Kailangan muna ng aktres na mag-quarantine ng sampung araw sa isang hotel si Sharon bago makapiling ang pamilya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?