16

May 18, 2021 @ 13:27
By

Sharon nabakunahan na sa US

Inanunsyo ng aktres na si Sharon Cuneta nitong Martes sa kanyang social media account na nabakunahan na siya kontra COVID-19.

Sa isang ospital sa US nakuha ni Cuntea ang unang dosage niya ng bakunang Moderna.


“I’m here at a hospital. I’m getting my first shot of Moderna vaccine from (nurse) Trish. I am blessed because she is a Filipina also and I am happy to be getting this vaccine. So, I am excited. I just wish my kids could get it too soon,” pahayag ng aktres sa video.

Ibinida rin ng 55-anyos na aktres na hindi masakit ang pagbabakuna sa kanya.

“That’s it? It wasn’t bad at all. My tolerance is high for pain.”

Kamakailan lamang ay lumipad pa-US si Sharon nang hindi kasama ang kanyang pamilya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?