4

By

Sharon may papuputuking gimik, super gaya kay Kris

Sharing is caring!

Is Sharon Cuneta doing a Kris Aquino act or talaga lang of late ay lumalabas na ang marami nilang pagkakatulad? Ngayong magiging busy na naman si megstara, nagdesisyon itong i-detach muna ang sarili sa mga activity niya sa social media at piliin, if not totally dedmahin ang mga hindi kanais-nais na text o tawag sa phone niya.

In short, hindi na muna magiging patola si mega na marahil ay nagsawa na sa naglalabasang tsika sa kanya na pati mga lumang isyu ay nauungkat pa.

Ayaw naming isiping ginagaya ni Shawie si Kris na sa paulit-ulit na pronouncement ng mga anik-anik tungkol sa buhay pag-ibig at career moves eh, tila ayaw nang paniwalaan ng mga tao, ergo nagkaroon tuloy ng imaheng ‘hindi maka-move on’.

Well, kung anuman ang pinagdadaanan o gustong paputuking gimik nitong si mega, wait and see na lang tayo dahil as we say, nakita na natin iyan kay Krissy, hahahaha!

Hmmmm…ayaw ng mga fan ni Ian Veneracion ng tila pandededma niya sa sinabi ng idolo nilang hindi ito worthy maging leading man ni Shawie. Or baka iba lang ‘reading’ niya sa naturang statement ng very much younger looking Ian V?

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?