134

Oct 9, 2021 @ 14:02
By

Sharon lito kina Tito, Kiko

Sinabi ng showbiz columnist na si Lolit Solis na pihadong naguguluhan ngayon si Sharon Cuneta dahil parehong tatakbong vice president ang kanyang paboritong tiyuhin na si Tito Sotto at asawang si Kiko Pangilinan.

“Siguro kung ako nagugulo between Lito Atienza at Tito Sotto, Salve, mas nagulo ang isip ni Sharon Cuneta. Imagine, ang favorite uncle niya na si Tito Sotto vs Francis Pangilinan, ang asawa niya na tatakbo narin VP sa 2022,” sambit ni Solis sa Instagram post.

“Talagang siksikan ang VP race ha, parang mas matindi pa kesa Predidential kung titignan mo. Talagang gulatan kung sino ang mga tatakbo. Kahit siguro si Sharon hindi akalain magiging ka tandem ng Leni Robledo si Francis Pangilinan,” dagdag niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?