514

Dec 26, 2017 @ 16:29
By

Sharon humihingi ng P1M sa IG

Dapat sana’y kumpleto ang Pasko nang megastar na si Sharon Cuneta dahil kumpleto ang kanyang pamilya nong Dec. 25 kung saan kasama niya ang kanyang hubby na si Sen. Kiko Pangilinan, ang anak na si KC Concepcion na mula sa airport ay dumiretso sa kanilang get-together bitbit pa ang kasintahan nitong si Aly Borromeo, ang tatlo nyang anak na sina Frankie, Miel at Miguel.

Makikita naman sa video na pinoste ni Sharon sa kanyang Instagram ang masaya nilang gathering kung saan meron pa silang binubuksang fortune cookie. Parehas pa nga ang mensahe na nakuha nina Sharon at ni Aly.

Makikita ring nagsi-serve pa nang French chocolate si Miguel sa mga nasa round dining table.

Masaya ang athmosphere nang Pasko lalo’t binibiro nina Frankie at Miel ang Mommy nila sa wala nitong kamatayang pagti-text o paggamit ng cellphone nito.

Kinu-close ang daliri ng ina para ipakita ang singsing na suot nito na punung-puno ng diamonds at mamahaling relo at saka ipu-focus sa hawak-hawak nitong cellphone.

Pero matapos ang mga ito, nag-poste ng screenshot ng mensahe nito si Sharon at sinabing umiyak siya sa asawang si Kiko.

Naging emotional si Sharon dahil sa awa niya sa mga Marawi at sa pagnanais niyang matulungan ang mga ito.

Marami nang beses tumulong si Sharon sa Marawi pero sa paniniwala nya hindi pa ito sapat.

Sa kanyang mensahe nanawagan si Sharon sa kanyang mga Sharonians at mga non-fans na tulungan siyang mabigyan nang tulong ang mga tiga-Marawi sa pamamagitan ng 100 pesos na donation ng mga ito isa-isa.

Sabi nang megastar, magagawa lang nya nang lubos ang pagtulong sa Marawi kung sasamahan siya sa programang ito ng kanyang mga supporters.

Ipinagdiinan nang megastar na hindi nya pinupulitika ang panawagan nyang ito o ang pagtulong nya sa Marawi para lang maka-angkat ng boto para sa kanyang asawa.

Purong malasakit, awa at pagnanais niyang makatulong sa pagbawi ng Marami ang rason ng kanyang panawagan.

Wala rin raw siyang political ambition gaya nang lagi nyang sinasabi.

Inaasahan ni Sharon na makakalikom siya ng isang milyong piso sa bawat 100 pesos na idu-donate sa kanya nang kanyang mga tagahanga.

Ang panawagan para sa Marawi ay ang nagiisang wish-list nang megastar para sa taong ito ng Kapaskuhan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?