82

Dec 8, 2021 @ 14:57
By

Sharon hinayang kay Rowell Santiago

Sa kanilang muling pagsasama bilang parte ng ‘FPJ’s Ang Probinsyano,’ inamin ni Megastar Sharon Cuneta na isang ‘TOTGA’ o ‘the one that got away’ ang dati niyang nobyo na si Rowell Santiago.

Nag-post si Sharon sa kanyang Instagram nitong Martes kung saan ibinahagi niya ang dati nilang larawan ni Rowell, na dati niya ring ka-love team.

Dito na rin inamin ng Megastar na isang TOTGA si Rowell.

“I can live without most everyone else (including any other ex) outside of my family, but I can never live without this boy in my life,” saad ni Sharon.

“Like Kiko [Pangilinan], his heart is so pure. So decent. A true gentleman. Truly TOTGA,” dugtong pa ng aktres.

Bago magsama sa ‘Ang Probinsyano,’ nagtambal ang dalawa noong dekada ’80 para sa mga pelikulang ‘Cross My Heart’ at ‘Friends in Love.’

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?