30

By

Sharon gusto ng magkaapo, Gabby aprub sa bagong BF ni KC

Sharing is caring!

Kung aprub kay Sharon Cuneta si Pierre Plassart Emmanuel, ang boyfriend ng anak na si KC Concepcion, ganun din sa ama nitong si Gabby Concepcion.

Ayon sa actor nakikita niyang masayang-masaya ngayon ang anak. Through social media post ni KC ay ipinakilala niya ang boyfriend sa ama.

Sa ngayon, sabi ni Gabby, wala pa siyang pagkakataon na makilala ng personal ang nagbibigay inspirasyon sa anak. Pero, alam niyang darating din daw ang araw na ‘yun.

Kahit naman kasi nasa malayo si KC, lagi rin niyang ibinabahagi ang kasiyahan sa mga magulang sa pamamagitan ng social media account.

Kung sakaling maisipan na ni KC na pakasal sa boyfriend, ready na rin daw si Gabby dahil nasa tamang edad na ang anak.

Samantala, nabanggit ni Megastar sa Magandang Buhay” na gusto na niyang magka-apo kay KC.

Masaya niyang ibinahagi sa morning show nina Melai Cantiveros, Karla Estrada at Jolina Magdangal ang pagmamahalan nina KC at Plassart.

Nasa Paris daw ngayon ang anak dahil kaarawan ng boyfriend.

Ani Shawie: “It was Pierre’s birthday kasi on August 29. So nagulat na lang siya (KC) kasi biglang may ticket na siya to Paris, kasi ayaw siya ni Pierre na malayo.
Puring-puri ng megastar ang boyfriend ni KC.

“He’s such a gentleman, such a gentle soul, at mahal na mahal at respetong-respeto niya ang anak ko. Sobrang pag-alaga niya kay KC,” lahad ni Sharon.

Dinadasal ng megastar na si Pierre na ang ‘The One’ ng anak. Marami na rin daw kasing na pinagdaanan si KC. “I hope it lasts forever na wala na siyang hahanapin pa.”

Sinundan ni Shawie, na gusto na rin daw niyang magka-apo. Birong sabi niya sa anak: “Anak ‘pag di ka pa kinasal at di ka pa nagka-anak, magpapabuntis ako, nakakahiya na. Alam mo naman, si Gong Yoo, we’ll never know.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?