97

By

Sharon fans may tampo sa kanilang idol

Sharing is caring!

May tampo ang ilang mga fans ni Sharon Cuneta na sumuporta sa nakaraang block screening ng pelikula nila ni Robin Padilla, Joshua Garcia at Julia Baretto na “Unexpectedly Yours”, na ginanap sa Greenbelt Cinema nong Dec. 3 nang hapon.

Hindi nasilayan nang kanyang mga fans si Sharon sa block screen na umaasang makikita nila nang personal ang kanilang idolo.

Kahit man lamang raw video greetings sana nang megastar na binabati at nagpapasalamat ito sa mga nag-effort na bumuo ng block screening ay wala silang nakita bago ipalabas ang movie.

Ang ilang grupo kasi lalo na ang mga nasa abroad ay nagtulung-tulong para maisagawa ang block screening ng pelikula, bilang comeback film sa mainstream ng kanilang idol.

Naiinggit nga raw ang ilang grupo ng fans ni Sharon dahil dumating si Robin Padilla sa block screening ng kanyang mga fans sa Dolphy Theater ilang araw bago naganap ang block screening ng mga fans nang award-winning actress-singer.

Nakaposte naman sa FB wall ng isa sa mga avid fans ni Sharon na si Isagani ang advice na hindi makakarating si Sharon sa screening dahil may nauna na itong schedule para sa kanyang pamilya.

Halos isang linggo at isang buwan raw na hindi nakikita at nakakasama ng megastar ang kanyang pamilya kaya gusto nitong bumawi sa naka-schedule nang bonding niya sa mga ito.

Pero giit nang ibang mga fans na sana kahit man lamang video greet ni Sharon ay napanood nila bago nagsimula o pagkatapos ng palabas.

Well, kilala namin si Sharon na pagdating sa kanyang mga fans all out ang support nito lalo’t kumitang todo ang UY sa ilang mga unang araw nang showing nito.

Malamang may pambawi naman ang megastar sa kanyang mga fans at yun ang dapat abangan nang mga nagmamahal sa kanya. (Rey Pumaloy)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?