367

Oct 14, 2021 @ 21:25
By

Sharon dinikdik Duterte admin sa pagiging ‘bastos’ ng Pinoy

Walang preno-preno at lantarang sinisi ni Sharon Cuneta ang administrasyong Duterte sa pagiging bastos umano at kawalang disente ng mga Pilipino.

Ito ay matapos siyang bahain ng mga troll nang ipangalandakan sa Instagram ang suporta sa tambalan nina Vice President Leni Robredo at Senador Kiko Pangilinan.

Pinayuhan niya ang publiko na magising na at pumili ng pinuno na may takot sa Diyos, walang bahid ng korapsyon, at tapat ang hangaring makapaglingkod at protektahan ang mga Pilipino.

Narito ang buong Instagram post niya:

“I was already expecting lots of trolls and haters to descend on this page once i posted about VP Leni and Kiko. Sadly, this is what this present administration has created and instilled in our people.

“Now, lumalabas na ang pagkabastos at pagkawalang disente ng marami sa ating mga Pilipino. Kundi na tayo marunong rumespeto sa isa’t-isa, paano tayo rerespetuhin ng mundo?

“Nasaan na ang tunay na bayanihan? Noong araw, nagrerespetuhan tayo ng kanya-kanyang paniniwala at kandidato pag kampanya at eleksiyon na. Magkakitaan na lang sa kung sinu-sino ang mahalal.

“Ngayon, ganito na – bastusan. Yan ang dapat ma-erase. Maibalik sana natin ang ating pagkadisente at pagiging kagalang-galang. Piliin ninyo ang mga pinuno na may takot sa Panginoon – yung hindi tinatawag ang Diyos na “STUPID.”

“Ang walang paniniwala sa Panginoon ay nakakatakot mamuno, dahil ang diyos niya ang ang sarili niya. Pumili kayo ng mga walang bahid ng korupsyon, may tapat na hangaring makapaglingkod at protektahan tayo.

“Hindi yung wala na ngang trabaho ang mga kababayan natin, gutom na wala pang ayuda, ang bakuna kulang na nga pinababayaran pa – pero ang mga di makasagot kung saan na napunta ang bilyong-bilyong piso na napunta sa Pharmally pero kitang-kita ang mga magagarang sasakyan at biglang pagyaman ng mga kasali diyan, yun ang pinagtatakpan at pinoprotektahan.

“Magising na po tayo. Di na makausad ang Pilipinas! Tama na ang pambobola sa atin. Tama na ang pinagtatawanan ang Pilipino ng mundo. Naway tulungan tayo ng Panginoong Diyos. God bless us all po!”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?