98

Feb 25, 2021 @ 22:00
By

Sharon: Dapat lahat ng opisyal tulad ni Vico Sotto

Super proud si Megastar Sharon Cuneta kay Pasig City Mayor Vico Sotto dahil sa pagiging “mayor goals” nito matapos kilalanin ng Amerika bilang isa sa kampeon ng anti-corruption sa mundo.

Kaya naman hindi napigilan ng Megastar na humanga sa galing ni Mayor Sotto at dapat daw na lahat ng opisyal ng gobyerno ay gayahin ito.

“My gosh…Mayor Vico makes us all so proud! Dapat lahat ng Mayor at iba pang nasa posisyon di lang kasing humble niya at tapat sa pagsisilbi sa bansa kundi ganyan din kagaling!” sey ng aktres sa Instagram post, Feb. 24.

Binati niya ang alkalde pati na parents nito na sina Coney Reyes at Vic Sotto.

“Congrats, Mayor Vico and dearest Ate Coney and Tiyong Marvic!!! Praying for you always.”

https://www.instagram.com/p/CLqb4m1jD-N/

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?