545

Jan 13, 2019 @ 21:53
By

Sharon Cuneta sa mga basher – Wala akong pake!

Matapang na nagsalita si Sharon Cuneta laban sa mga basher na natatawa dahil siya ang muse ng Magnolia Hotshots sa 44th Season ng PBA.

Lahat ng Magnolia player ay nagpa-selfie at groupie kay Megastar habang suot ang blue blazer at pants na kapareha ng kulay ng Hotshots.

Ayon naman sa Megastar nang ma-interview, wala lang sa kaniya ang mga basher.

“Nothing, they [bashers] don’t mean anything to me. Because I’m the one that’s here,” ani Sharon.

“I was chosen by Magnolia, I didn’t volunteer,” dagdag nito. “I’m their major endorser, I think that’s understandable.”

Si Sharon Cuneta ang pinakanapansin ng mga netizen na muse, na huling nag-muse sa PBA ay noong 90’s pa at ito rin ay Purefoods franchise.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?