81

By

Sharon Cuneta, namamaos pero tuloy ang unang araw ng rehearsal

Sharing is caring!

Nagsimula nang mag-rehearse ang megastar na si Sharon Cuneta para sa nalalapit niyang anniversary concert aptly titled “Sharon: My 40 Years” sa Smart Araneta Coliseum on Friday, September 28.

Sa isang studio sa Corinthian Gardens ginanap ang unang araw ng rehearsals at excited daw ang award-winning singer/actress, ayon sa kuwento sa amin ni Eloisa Matias, creative producer ng concert at matalik na kaibigan ni Sharon.

“She is very excited,” says Eloisa. “She was recovering from konting sakit medyo paos.”

Nabanggit din ito ng misis ni Senator Kiko Pangilinan nang mag-Instagram live siya on her way to the studio.

Bongga ang anniversary concert ng megastar dahil tatlo ang kanyang musical director, namely: Ryan Cayabyab, Mel Villenia at Louie Ocampo.

Magiging bahagi rin sina Rowell Santiago at Paolo Valenciano- as requested by Sharon- sa concert bilang script consultant at technical consultant, respectively.

Only few days left bago ang big event ni Shawie sa Big Dome at kung wala pa kayong ticket, mag-inquire na sa Ticketnet at 9115555.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?