102

Aug 3, 2021 @ 15:27
By

Sharon Cuneta ‘nakakulong’ sa hotel

Balik Pilipinas si Sharon Cuneta matapos ang halos tatlong buwang pananatili sa Amerika.

Sa Instagram post niya ngayong Martes, sinabi ng Megastar na dumating siya sa Maynila noong nakaraang linggo.

Pero diretso hotel siya mula sa airport para mag-quarantine ng sampung araw.

Ipinasilip niya ang itsura ng kanyang kuwarto sa hotel na nilagyan ng mga “welcome home” banner at bulaklak, na hinanda ng kanyang mga anak at asawang si Senador Kiko Pangilinan.

“Lilipas din lahat ito! Itong nasa pictures na ito po ang sumalubong sa akin pagpasok ko sa hotel room ko pagdating ko from the airport! Pampasaya talaga ng puso. I’m home everyone! I’ve missed you all and am gonna get back to work soon,” sey ni Sharon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?