21

By

Sharon adik sa K-Pop, todo-kanta, sayaw sa hit song ng Twice

Sharing is caring!

Hindi nagpadaig ang Megastar Sharon Cuneta sa mga millennial fans ng K-Pop group na Momoland.

Sa ‘Gandang Gabi Vice’ noong Sunday night ay nagpamalas din ng sayaw si Shawie ng K-Pop hit song na “TT.”

Trending ang pagsasayaw ni Shawie. Habang nagsasayaw ay sinasabayan din niya ito ng kanta.

Ayon sa Megastar avid fan daw siya ng K-Pop girl group, ang Twice. Memorize raw niya ang lyrics at dance steps ng Korean hit song dahil 2016 pa raw niya ‘yun kinakanta lalo pa at nagbabiyahe siya.

Moment kay Vice Ganda ang pagsasayaw ni Shawie sa kanyang ‘GGV’ program.

“Yun ang love na love kong kanta, talagang kahit buong flight ko, ‘yun ang pinapakinggan ko,” sambit ni Megastar.

Hindi lang ang impromptu ng pagsayaw ni Shawie ang naging moment sa ‘GGV’ kundi ang pagbigay din niya ng expensive diamond-studded bracelet kay Vice.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?