673

Mar 19, 2020 @ 19:52
By

Sharlene San Pedro positibo?

Pinaramdam ng mga fan ni Sharlene San Pedro ang lakas ng kanilang puwersa sa Twitterverse nang mapa-trend nila ang teen actress.

Kung bakit, magtataka ka lang talaga. Napaano ba si Sharlene? COVID-19 positive na ba? Shar! (Char!) Nakikipagsabayan naman kasi sa trend ‘noh!

Nag-ingay lang naman ang mga fan dahil excited na sila sa teen flick na “Happy Times” kung saan bibida si Sharlene kasama rin sina UP basketball star Ricci Rivero, Heaven Peralejo at Kimpoy Feliciano, directed by Ice Idanan at written by G3 San Diego.

Nag-trending nga ang “SHARflix andCCiLL” at #HappyTimes dahil sobrang aprub sa mga fan ang tambalang Sharlene at Ricci. Sobrang nakakakilig nga ang ilang photos nila together na magkasama.

Hindi naman sigurado kung tuloy ang shoot ng “Happy Times” dahil nga nasa total lockdown ang bansa sa ngayon. Pero bibilib ka sa effort ng mga fan sa Twitter para mapansin at hindi makalimot na i-promote at suportahan ang kanilang idolo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?