25

Feb 27, 2020 @ 14:06
By

Sharapova iiwan na ang tennis

“Please forgive me. Tennis—I’m saying goodbye.” — Ito ang madamdaming pamamaalam ni Maria Sharapova sa kanyang sport na minahal.

Tuluyan nang bibitawan ni tennis superstar ang paghawak sa raketa nang ianunsyo nito ang kanyang pagreretiro.

Nabuhay sa mundo ng tennis si Sharapova. Pero sa kabila ng 28-taong pamamayagpag at pagsungkit ng limang Grand Slam title, ibang kabanata naman ang gustong harapin ngayon ng 32-anyos na tennis star.

“Tennis showed me the world—and it showed me what I was made of. It’s how I tested myself and how I measured my growth.”

Anuman daw ngayon ang tatahakin o haharaping bundok handa niya itong akyatin.

“And so in whatever I might choose for my next chapter, my next mountain, I’ll still be pushing. I’ll still be climbing. I’ll still be growing.”

Gumawa ng sariling pangalan si Sharapova nang maabot nito ang Wimbledon title taong 2004 sa edad 17. Taong 2005, naging world’s No. 1 ito.

Pero nabura ang pagiging dating Russian world number 1 nito nang lumamya ang performance nito sa malalaking torneyo hanggang sa umabot na lang sa ranked 373.

Nadungisan din ang mabango niyang pangalan nang masangkot siya at magpositibo sa drug test sa Australian Open taong 2016 at mapatawan ng 15-month ban.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?