42

Sep 10, 2021 @ 16:52
By

Shaq ni-real talk si Simmons

Hindi na natutuwa si dating NBA MVP, All-Star at champion Shaquille O’Neal sa inaasal ni Philadelphia forward Ben Simmons.

Matapos ang nakakadismayang laro sa 2021 playoffs, sinabi ni Simmons na ayaw na niyang manatili bilang 76er.

Ngunit mula nang magbukas ang NBA Free Agency ay ‘di pa rin nakakaalis sa puder ng Philly ang manlalaro.

Kaya naman, nitong Huwebes sa The Big Podcast with Shaq, hindi nagtipid sa mga salita si O’Neal para ipabatid kung gaano siya ka-dismayado kay Simmons.

“I have g-14 classification to say what I am about to say and so does Charles Barkley: Ben Simmons you’re not that good,” wika ni Shaq. “And then, in this league, do you want to be good or do you want to be great? You’re not great. But if you want to get to that next level, you have to be great. And to be great, you have to work on your game.”

Payo ni O’Neal sa 25-anyos na manlalaro, huwag puro porma sa social media ang kanyang atupagin kundi ang pagsasanay para gumaling ng husto.

“Don’t be putting pictures on your Instagram of your Ferrari or what actress you’re hanging around with,” dagdag pa ni O’Neal. “When you play for a town like Philadelphia, Boston, L.A., Miami—a hard-working town—they don’t give a s— about none of that. They want you to come, work hard and play hard.”

Si Simmons ay number one overall pick noong 2016 at marami ang nagsasabing siya ang susunod na LeBron James.

Ngunit nitong nakaraang playoffs laban sa Atlanta Hawks ay nag-average lamang siya ng 9.9 points sa huling tatlong laro ng serye, kung saan nakita kung gaano siya katakot tumira at ma-foul dahil panay baldog ang kanyang attempt sa free throw.

May natitira pang apat na taon sa kanyang kontrata sa 76ers si Simmons, kung saan sasahod siya ng $147 milyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?